MANILA, Philippines - Wala ni katiting na tampo si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa kanyang tiyuhing si Nationalist People’s Coalition (NPC) Chairman Emeritus Eduardo “Danding “Cojuangco matapos itong malaglag sa hanay ng mga na pipisil na kandidato sa 2010 national elections ng naturang partido.
Sa pahayag ni Teodoro, matagal na niyang nilisan ang NPC kasunod ng paglutang na sina Sens. Francis ‘Chiz’ Escudero at Loren Legarda ang pinagpipi liang standard bearer ng NPC.
Ayon kay Teodoro, hindi niya ito itinutu ring na problema at hindi rin ito makakaapekto kung sakali sa kanyang intensyong tumakbo sa presidential elections.
Ipinaliwanag ni Teodoro na simula nang tanggapin niya ang panunungkulan sa ga binete bilang Defense Chief ay nangangahulugan ito ng kanyang pakikipag-alyansa sa partido ni Pangulong Arroyo.
Ayon pa sa Kalihim, hanggang sa ngayon ay nananatiling matatag ang kanilang samahan ng mga Cojuangco kahit na naging kaalyado pa siya ng ruling party. (Joy Cantos)