MANILA, Philippines - Sumailalim sa rectal swabbing ang mga manggagawa ng Samuya Food Manufacturing Inc. na nasa hanay ng production o may direktang paghawak sa mga pagkaing produkto upang makatiyak na ligtas ito sa Salmonella bacteria contamination.
Layunin nito na matukoy kung mayroong Salmonella carrier sa mga manggagawa at upang maagapan ang sakit.
Samantala, bukod sa mga brand ng peanut butter na gawa ng Samuya na Yummy at Ludy’s, isinali na rin sa reclall order ng DOH ang Ludy’s Coco Jam at Ludy’s Instant Salabat.
Ito’y dahil sa nakitang maruming lugar ng pagawaan tulad ng sementadong flooring sa factory na dikitin ng alikabok at mga bahagi ng pagawaan na walang bubong na dapat umano ay naka-tiles.
Kabilang din sa sinusuri ang tubig at mga mani na inangkat pa sa China at India.
Pinag-aaralan na rin ng DOH ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa Samuya. (Ludy Bermudo)