MANILA, Philippines - Isa na namang brand ng local peanut butter ang pinababawi sa mga tindahan ng Bureau of Food and Drugs dahil sa nag positibo ito sa Salmonella bacteria.
Ayon kay BFAD director Leticia Gutierrez, pinababawi na nila sa pamilihan ang Ludy’s Peanut butter matapos nila itong suriin noong nakaraang linggo at lumalabas sa pagsusuri ng BFA na positibo ito sa Salmonella.
Lumalabas na iisa lamang ang manufacturer ng Yummy Peanut butter at Ludy’s. Ito ay ang Samoya Manufacturing Inc.
Sa kasalukuyan ay sus pendido na ngayon ang operasyon ng Samoya matapos na lumabas na may pagkukulang sa operasyon ang kumpanya sa tama at maayos na pagmamanufacture sa kanilang produkto. (Gemma Amargo-Garcia)