MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacanang na iaanunsiyo nito ang magiging standard bearer at senatorial line-up ng administrasyon para sa 2010 election sa darating na June.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo, ang magiging batayan para sa pipiliing kandidato ng administration coalition na Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino ay sa kanilang track record at ang “winnability” ng magiging kandidato.
Ilan sa mga miyem bro ng Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagpahayag ng kanilang intensyong tumakbong presidente sa 2010 ay sina Metro Manila Development Authority chairman Bayani Fernando at Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Palagi namang nangunguna sa mga surveys si Vice-President Noli de Castro kahit hindi pa ito nagdedeklara ng kanyang intensyong tumakbong presidente sa 2010. (Rudy Andal)