Pinas pinautang uli ng WB

MANILA, Philippines - Sa kabila nang na­bunyag na suhulan at la­ gayan sa mga road projects sa bansa ay pinautang pa rin ng World Bank ang Pili­pinas ng $3 bilyon na gaga­mitin sa mga programa kontra kahirapan.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ang panibagong tulong ay patu­nay lamang na malaki pa rin ang tiwala ng WB sa Pilipi­nas at buo pa rin ang kum­piyansa nito sa pakikipag-partner sa administrasyong Arroyo.

Aminado ang Malaca­ñang na kailangan nga­yon ng gobyerno ang pag­pasok ng mas mara­ming pondo upang mala­banan ang na­raranasang financial crisis.

Ang $3 bilyon loan ay partikular na gagamitin sa mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap. (Malou Escudero)

Show comments