Pinas pinautang uli ng WB
MANILA, Philippines - Sa kabila nang nabunyag na suhulan at la gayan sa mga road projects sa bansa ay pinautang pa rin ng World Bank ang Pilipinas ng $3 bilyon na gagamitin sa mga programa kontra kahirapan.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ang panibagong tulong ay patunay lamang na malaki pa rin ang tiwala ng WB sa Pilipinas at buo pa rin ang kumpiyansa nito sa pakikipag-partner sa administrasyong Arroyo.
Aminado ang Malacañang na kailangan ngayon ng gobyerno ang pagpasok ng mas maraming pondo upang malabanan ang nararanasang financial crisis.
Ang $3 bilyon loan ay partikular na gagamitin sa mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending