MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ni Pangulong Arroyo sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sina Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, Senior State Prosecutor John Resado at Senior State Prosecutor Kimpo kaugnay sa kaso ng “Alabang Boys”.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, iniutos din ni Pangulong Arroyo ang imbestigasyon kina DOJ Unsersecretary Ricardo Blancaflor at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Wika pa ni Sec. Remonde, pinakakasuhan ng administratibo sa PAGC sina Resado sa bribery, Kimpo at Zuno sa “cursory conduct”.
Ipinaliwanag pa ni Remonde, ipinatutuloy din ni PGMA ang pagsasampa ng kaso sa Alabang Boys na naunang inirekomenda na palayain ang mga ito. (Rudy Andal)