^

Bansa

Tax sa text dagdag pahirap sa Pinoy

-

MANILA, Philippines - Dagdag pahirap lamang sa mga Pinoy ang panukala ng isang kongresista na patawan pa ng karagdagang buwis ang text messaging, ayon kay Nacionalista Party President at Senador Manuel ‘Manny’ Villar.

Ayon sa senador, tutol siya sa panukala ni House oversight committee chairman at Quezon Congressman Danilo Suarez na dagdagan pa ng P.10 sentimo bilang buwis ang kada text message na ipadadala ng isang subscriber. Ikinatwiran ng kongresista na kikita ang pa­mahalaan ng P200 milyon kada araw kung dadagdagan pa ng buwis ang text messaging.

Ipinunto naman ni Villar na sa kasalukuyang krisis na nararanasan ng mga Filipino hindi na dapat pang mag­pataw ng karagdagang buwis sa pagpapadala ng text na isa sa pinakamurang paraan ng pakikipagta­lastasan.

Ikinatwiran ni Villar na marami pang maaaring pagkunan ng buwis ang Senado at Kongreso subalit hindi muna sa panahon na nararanasan ang krisis sa ekonomiya at ang dapat munang pagtuunan ng pansin ay ang pagbutihin ang tamang koleksiyon sa buwis ng kinauukulang ahensiya. Umaabot sa halos P75 B kada taon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa hindi pagbayad ng tamang buwis.

Inihalimbawa pa ni Villar ang pagpapataw ng mas ma­la­king buwis sa sigarilyo at alak o ang sin taxes na isa rin sa mga paraan para maputol ang hindi magandang bisyo ng ilan sa kakabayan natin. (Malou Escudero)

AYON

BUWIS

DAGDAG

IKINATWIRAN

INIHALIMBAWA

IPINUNTO

MALOU ESCUDERO

NACIONALISTA PARTY PRESIDENT

QUEZON CONGRESSMAN DANILO SUAREZ

SENADOR MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with