^

Bansa

'Shares' ng coconut farmers sa SMC di magagalaw

-

MANILA, Philippines - Sinalungat ni House Committee on Agriculture vice-chairman Alfredo Marañon III ang alegasyon ng ilang sektor na mala­lagay sa alanganin ang ‘shares’ ng coconut far­mers sa San Miguel Corporation (SMC) bunsod ng ipinasok ng investments ng nasabing kompanya.

“The statements being issued by some of our colleagues are very misleading for our farmers. The farmers’ shares have always been there and there is nothing unusual or irregular about San Miguel’s entry into Petron and Meralco,” giit ni Marañon.

Ayon sa mambabatas, dapat pa nga matuwa ang mga shareholders ng SMC dahil sila rin ang unang ma­­ki­kinabang sa poten­syal na kikitain ng kom­panya sa mga bagong investment nito.

Ginawa ni Marañon ang pahayag bilang reak­syon na rin sa pagkuku­westyon ng ilang kasama­han niyang mambabatas, sa pangu­ nguna ni Quezon Rep. Pro­ceso Alcala sa pagpasok ng SMC sa Petron at Lopez-owned Meralco.

Sa halip umanong ku­wes­tyunin, sinabi ni Mara­ñon na ang dapat isipin ng ilang tutol sa SMC investments na ito na ang pina­sok na bagong negosyo ng kompanya ay mga dati na at kumikitang utility firms.

Nagpahayag naman ng pangamba si An Waray partylist Rep. Florencio “Bem” Noel sakaling ituloy ng Kon­greso ang pag-im­bestiga. (Butch Quejada)

ALCALA

ALFREDO MARA

AN WARAY

BUTCH QUEJADA

HOUSE COMMITTEE

PETRON AND MERALCO

QUEZON REP

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with