^

Bansa

Falsification vs Noli

-

MANILA, Philippines - Mahaharap sa kasong Falsification of Documents si Vice Pres. Noli de Castro dahil sa hindi umano pagde­deklara sa mga naging donasyon sa kanya ni Celso delos Angeles para sa kanyang pangangampanya noong 2004 elections.

Ito ang inihayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez kasu­nod ng mga ulat ng umano’y pagtatago ni de Castro ng mga naging pangpinansiyal na kontribusyon sa kanya ni delos Angeles noong panahon ng kampanya.

Ayon kay Gonzalez, sa ilalim ng COMELEC rules dapat na iniuulat ng isang kandidato ang mga tinatang­gap nitong campaign contributions.

Kapag hindi umano ito ginawa ng isang kandidato ay maaari siyang sampahan ng kaso.

Gayunman ay sinabi ng kalihim na hindi naman tama na batuhin ng kung anu-anong alegasyon ang Bise Presi­dente dahil hindi pa naman kumpirmado ang katoto­hanan ng mga naglabasang ulat. (Gemma Garcia)

AYON

BISE PRESI

CELSO

FALSIFICATION OF DOCUMENTS

GAYUNMAN

GEMMA GARCIA

GONZALEZ

JUSTICE SEC

RAUL GONZALEZ

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with