MANILA, Philippines - Binawi kahapon ni Pangulong Arroyo ang appointment ni retired Navy Vice-Admiral Tirso Danga bilang chief ng National Printing Office (NPO) sa halip ay itinalaga si retired P/Director Servando Hizon na miyembro ng PMA Class 1973 at mistah ni Danga.
Ginawa ni Mrs. Arroyo ang pagbawi dahil sa mga pagtutol ng ilang sector dahil sa pagkakasangkot din ng naturang retired AFP official sa “Hello Garci” controversy. Si Danga ay dating Intelligence Service of the AFP (ISAFP) chief noong May 2004 elections. (Rudy Andal)