Francis M. pinarangalan ng Malacañang
MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ni Pangulong Arroyo ng Presidential Medal of Merit ang yumaong si master rapper Francis Magalona sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.
Tinanggap ng biyuda ni Francis M. na si Pia Arroyo-Magalona ang iginawad na award mula sa Pangulo. Naroroon din ang mga kasamahan sa Eat Bulaga na sina DDB chairman Tito Sotto, tv host Vic Sotto at Joey de Leon.
Ipinagkaloob ang posthumous award kay Francis M. dahil sa pagiging makabayan nito sa pamamagitan ng kanyang mga komposisyon at awitin.
Namatay si Francis M. noong March 6 matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit nitong leukemia. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending
















