^

Bansa

Jalosjos laya na

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nakalaya kahapon ng umaga ang sentensyadong child rapist na si dating Zamboanga del Norte Congressman Ro­meo Jalosjos pagkaraang makulong nang 16 na taon sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Kinumpirma ni NBP Director Oscar Calderon na tuluyang pinakawalan si Jalosjos bandang alas-9 ng umaga makaraang maka­tanggap ito ng certificate of discharge.

Si Jalosjos ay unang sinentensiyahan ng Makati City Regional Court noong 1997 ng parusang reclusion perpetua sa kasong two counts of statutory rape at six counts of acts of lasciviousness matapos mapatu­nayan na ginahasa nito ang isang 11-anyos na batang babae noong 1996.

Ayon pa kay Calderon, maging si Jalosjos ay na­sorpresa sa paglaya nito at tanging ang misis lamang ng dating mambabatas ang sumundo sa kaniya sa NBP para magtungong Cebu. Gayunman, sa Huwebes pa ang nakasaad sa release order nito para lumabas ng bilangguan dahil marami pa aniyang dapat na ayusin sa mga papeles nito.

Ayon naman kay NBP executive assistant Senior Supt. Bartolome Busta­mante, inaprubahan ni Justice Secretary Raul Gonza­lez ang release paper ni Jalosjos dahil napagsilbihan na umano nito ng mahigit sa 16-taon sa loob ng bilang­guan ang kaniyang sen­tensiya.

Bago pa man pinalaya ka­hapon si Jalosjos, binig­yan siya ng “live-out status” ng Bureau of Corrections at pinahintulutang gumala sa compound ng NBP complex nang walang escorts na noon ay palatandaan na pala ng kaniyang tuluyang paglaya. (Gemma Garcia/Rose Tesoro)

vuukle comment

AYON

BARTOLOME BUSTA

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR OSCAR CALDERON

GEMMA GARCIA

JALOSJOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZA

MAKATI CITY REGIONAL COURT

NEW BILIBID PRISON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with