^

Bansa

Parad naubusan ng dugo, todas

-

MANILA, Philippines - Namatay sa pagkaubos ng dugo si Abu Sayyaf Commander Albader Parad habang anim pa niyang tauhan ang napaslang sa pakikipagsagupa nila sa militar kamakalawa ng umaga sa Indanan, Sulu.

Kinumpirma ni Joint Task Force Comet Commander Major General Juancho Sabban na namatay si Parad sa tama ng bala ng sniper.

Sinabi naman ni Sulu Governor Abdusakur Tan sa isang panayam sa radyo na malaki ang indikasyon na patay na talaga si Parad base sa impormasyong kaniyang nakalap sa mga residente sa lugar.

“Malamang positibo yan. Kinukumpirma ng lahat ng impormante namin na napatay siya,” sabi pa ni Tan.

Gayunman, sa panayam sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service Chief Brig. Gen. Gaudencio Pangilinan na kailangan pa rin nila ng pruweba sa pamamagitan ng pagkuha sa bangkay ni Parad sa lugar kung saan patuloy ang bakbakan.

Una nang sinabi ng impormante sa field nitong Lunes na si Parad ay nasapul sa ‘sniper fire’ sa layong 400 metro habang ang apat nitong tauhan ay tumimbuwang matapos namang tangkain kunin ang bangkay nito.

Sa naturang labanan din ng Abu Sayyaf at ng mga sundalo ng Marines, nasugatan din ang bayaw ni Parad na si Magdar Dukabo na agaw-buhay sa kasalukuyan. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBADER PARAD

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-CIVIL RELATIONS SERVICE CHIEF BRIG

CAMP AGUINALDO

GAUDENCIO PANGILINAN

JOINT TASK FORCE COMET COMMANDER MAJOR GENERAL

JOY CANTOS

JUANCHO SABBAN

MAGDAR DUKABO

PARAD

SULU GOVERNOR ABDUSAKUR TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with