MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit 30 milyong Pinoy ang walang trabaho mula pa noong Enero ng taong ito.
Ito ay nang tumaas ng may 7.7 percent ang bilang ng mga Pilipino na naging jobless noong nakaraang buwan.
Ayon pa sa National Statistics Office (NSO), noong Enero 2008 umaabot lamang sa 7.4 percent ang nawalan ng trabaho sa bansa,
Naitala rin ng NSO ang pagtaas ng bilang ng mga underemployed, mula sa 17.5% noong Oktubre 2008 na umakyat ngayon sa 18.5% dulot ng naranasang worldwide financial crisis at madami ang kumpanyang nagsara.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho, kung saan ang populasyon naman ay umaabot sa 90 milyon batay sa huling census.
Ang pagsasaka, na ikalawang may pinakamalaking bilang ng mga manggagawa sa bansa ay nagtanggal naman ng trabahador na umaabot sa 34.6 percent
Ayon naman kay acting Labor Secretary Marianito Roque, maraming job vacancies sa bansa ngunit may ‘mismatch of qualifications’ sa mga jobseekers kaya nagkakaroon ng unemployment problems. (Angie dela Cruz)