^

Bansa

Iwas-droga ng Pagcor gagawa ng record

-

MANILA, Philippines - May 56 ahensya ng pamahalaan kabilang ang tanggapan ni Pangulong Gloria Arroyo at ni Manila International Airport Autho­rity General Manager Al­ fons­­o Cusi ang sumu­porta at tumulong sa Grand Bida Iwas Droga march na nakatakda sa Marso 21.

Ang naturang kampan­ ya na inaasahang magi­ging pinakamalaking mar­tsa laban sa bawal na gamot ay sinimulan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino mula pa noong taong 2003.

Tinatarget ng PAG­COR na maitala sa Guin­ness World Record ang malaking martsa na ito.

Isasagawa ang martsa mula ala-1:00 ng hapon mula sa CCP complex hanggang sa Luneta.

Ang martsa ay isang malaking bahagi ng pro­yektong BIDA para mai­mulat ang mga kabataan sa masamang epekto ng bawal na gamot.

Kaugnay nito, nagpa­ha­yag ng pasasalamat si Genuino sa mga ahensya ng pamahalaan na sumu­porta sa martsa. Kabilang pa sa tumulong ang Land Transportation Office, Philippine National Police, Department of Transportation and Communication, Department of Education, Philippine Charity Sweepstakes Office, Maynilad, mga pamahalaang lokal at iba pa.

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GENERAL MANAGER AL

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with