^

Bansa

Vietnam umangal na rin sa Baselines law

-

MANILA, Philippines - Matapos na maghain ng “diplomatic protest” ang pamahalaang China, sumunod na ring nagpa­ hayag nang matinding pagtutol ang bansang Vietnam sa nilagdaang Baselines Law ni Pangu­long Arroyo na nagpapa­ti­bay na pag-aari ng Pili­pinas ang mga isla na ina­ angkin ng iba pang Asian countries sa Scar­bou­rough Shoal at Spratlys Group of Islands na malapit sa west coast ng South Chi­na sea.

Sa isang statement, binigyang-diin ni Vietnam Foreign Ministry spokesman Le Dung na mayroon silang “sufficient legal basis at Historical evidence” na pagmamay-ari ng Vietnam ang Spratlys at Scar­borough Shoal.

Nagbabala si Dung na ang ginawang aksyon ng pamahalaang Arroyo ay isa umanong “serious breach” ng Vietnam sovereignty.

Sa ilalim ng nasabing bagong batas, sinasabi na ang mga pinag-aagawang isla sa Spratlys at Scar­ borough Shoal ay kabi­lang sa territorial baseline ng Philippine archipelago na mahigit 7,100 isla.

Bukod sa China at Viet­­nam, kabilang pa sa mga umaangkin sa may 100 ma­liliit na isla sa Spratlys at Scarborough Shoal ay ang Brunei, Malaysia at Taiwan.

Magugunita na nag­ka­­-ro­on na rin ng “standoff” da­hil sa “battle for ownership” sa Spratlys ang Chi­na at Viet nam  nang mag­kasa­gupa san-hi ng pag-ka­sawi ng 70 Vietnamese sailors no­ ong 1988 na naresolba la­mang  mata­pos na ma­ma­gitan ang United Nations. (Ellen Fernando)

BASELINES LAW

ELLEN FERNANDO

LE DUNG

SCARBOROUGH SHOAL

SHY

SOUTH CHI

SPRATLYS

SPRATLYS GROUP

UNITED NATIONS

VIET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with