MANILA, Philippines - Tumawag kahapon si US President Barrack Obama kay Pangulong-Arroyo upang siguraduhin ang kanyang commitment sa Visiting Forces Agreement (VFA).
“United States President Barrack Obama today called President Gloria Macapagal-Arroyo to re-affirm his commitment to the Visiting Forces Agreement (VFA) and to commend her about her administration’s efforts at countering terrorism,” anang statement ng Palasyo.
Pinuri rin ni Obama ang pagsisikap ng administrasyong Arroyo para labanan ang terorismo at pagsasamoderno ng armed forces.
Ang pagtawag ni Obama sa Pangu lo ay inilathala rin sa web site ng US Press Secretary sa White House na may petsang Marso 13.
Muli rin umanong inihayag nina Obama at Pangulong Arroyo ang kanilang commitment sa napakatagal ng US-Philippines alliance, kabilang na ang VFA, na mahalaga sa bilateral relationship ng Amerika at Pilipinas.
Pinag-usapan din ng dalawang pangulo ng bansa ang climate change, education at interfaith dialogue. (Malou Escudero)