^

Bansa

Government officials uubusin!

- Nina Rudy Andal at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Target umano ngayon ng asasinasyon ang mga opisyal ng pamahalaan dahil sa nalalapit na hala­lan kaya nagbabala kaha­pon ang Malacañang sa mga tauhan nito na mag­doble-ingat dahil sa sunud-sunod na insidente ng pag-ambush, ang huli ay kay Department of Public Works and Highways Under­secre­tary Ramon Aquino noong Miyerkules ng ha­pon sa harapan mismo ng DPWH main office sa Port Area, May­nila.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, pi­naigting na ng Philippine National Police sa ilalim ni PNP chief Jesus Versoza ang police visibility dahil baka maulit ang nangyari kina Aquino, LTO Director Camilo Guarin, Philippine National Construction Corp. Investigator Rolando Ser­rano at MMDA Director Roberto Esquivel. na mag­kakasunod na tinam­ba­ngan.

Kasabay nito ay nana­wagan para sa kapaya­paan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) Chairman at Caloo­ can Bishop Deo­gracias Iñiguez.

Ayon kay Iñiguez, ang mga naturang sunud-sunod na karahasan ay hindi magandang senya­les sa estado ng kaayu­san at kapayapaan ng bansa.

Binigyang-diin din nito na dapat na maging mas vigilante ang mga awtori­dad at ipakita naman ang kani­lang kakayahan sa pagbibi­gay ng seguridad sa pub­liko.

Matatandaang si Aqui­no ay tinambangan isang araw matapos na patayin si Guarin sa Quezon City, at isang linggo matapos na ambusin si Serrano sa Cabuyao, Laguna.

Mapalad naman at hindi sakay si Esquivel nang tambangan ang ka­nilang sasakyan ngunit minalas na ang anak niya ang madamay at masu­gatan sa insidente sa San Pedro, Laguna noong na­ka­raang buwan.

AYON

BISHOP DEO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS UNDER

DIRECTOR CAMILO GUARIN

DIRECTOR ROBERTO ESQUIVEL

EPISCOPAL COMMISSION

INVESTIGATOR ROLANDO SER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with