^

Bansa

Sagot sa hinging ransom ng Sayyaf: Wala kaming P50 million - Red Cross

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang hinihinging P50M ransom ng Abu Sayyaf Group upang ma­palaya ang tatlong volunteer ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na dinukot ng mga rebelde sa Sulu noong Enero.

Iginiit ni PNRC Chairman Sen. Richard Gordon na matagal na niyang sinabi sa mga kidnapper na wala silang makuku­hang pera sa Red Cross.

Hindi rin umano ma­aring magbigay ng ransom ang PNRC sa mga rebelde dahil tuloy pa rin ang kani­lang pagsisilbi sa mga ma­mamayan sa Min­danao.

Base sa mga naunang balita, sinabi ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema na P50M ang hinihinging ransom ng ASG upang mapalaya ang tatlong ICRC volunteer.

Ngunit ayon kay Gordon, personal siyang naki­pag-usap sa ASG, wala umano itong hini­hinging ransom kundi iatras lang mga tropa ng militar sa kanilang lugar.

Itinanggi rin ni Gordon ang balitang pinaghi­walay ng hideout ng ASG ang mga biktimang sina Swiss Andreas Notter, Italian Eugenio Vagni, at Pinay na si Mary Jean Lacaba, na kanyang na­kausap at ku­mumpir­mang sila ay mag­kaka­sama.

Una nang nanindigan ang Malacañang na ipa­pa­tupad pa rin ang “no ran­som policy” ng gobyerno.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, hindi yuyuko ang gob­yerno sa sinasabing demand ng Abu Sayyaf.  (May ulat ni Rudy Andal)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CHAIRMAN SEN

COTABATO CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA

GORDON

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

ITALIAN EUGENIO VAGNI

MARY JEAN LACABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with