MANILA, Philippines - Maaari ng ikonsidera bilang unelected public servant si Jose “Joey” De Venecia III dahil sa walang takot nitong “expose” kaugnay sa maanomalyang ZTE-NBN deals.
Ayon kay dating Senador Er nesto Maceda, nakikita nya sa katauhan ni Joey ang sarili dahil sa pagiging Mr. Expose nito noong siya ay senador at senate president.
Isinalba ni Maceda ang bansa sa P15B pagkakautang ng ibunyag nito ang maanomalyang proyekto sa Public Estate Authority-Amari deal at nagresulta ito para mabasura ang kontrata sa pagitan nito at ng gobyerno. Ang PEA-AMARI ay pinalitan ng Philippine Reclamation Authority.
Sa pagsasalita ni Maceda sa Lakbay Pasasalamat ni dating pangulong Joseph Estrada sa Binmaley, Pangasinan, sinabi nito na nakakapaglingkod si Joey sa mga mamamayan dahil sa pagbubunyag nito sa mga anomalya sa gobyerno. (Butch Quejada)