SEC official suspendido!

MANILA, Philippines - Mistulang sinuspinde na rin sa tungkulin si Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Jesus Marti­nez, matapos utusan ka­ha­pon ni Pangulong Arroyo na mag­bakasyon o mag-leave of absence kasu­nod ng pag­kaka­ bunyag kamakalawa na tu­mang­gap ito ng suhol mula sa Legacy Consolidated Plans.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, inatasan na rin ng Pangulo ang Presidential Anti-Graft Commission at Department of Justice na si­mulan na ang imbesti­gasyon kay Mar­tinez bago pa man ito mag­retiro sa darating na Martes.

Sakaling mapatuna­yan ang alegasyon la­ban kay Mar­tinez na tu­mang­gap ito ng suhol hindi umano ito maka­katanggap ng be­ne­pisyo sa gob­yerno.

Dalawang dating opis­­yal ng Legacy ang nag­bunyag kamakalawa sa Senado na tumanggap si Martinez ng P9 milyong house and lot at Ford Expedition mula sa may-ari ng Le­gacy na si Celso delos Angeles, para ma­pangalagaan ang inte­res ng kumpanya.

Nagpalabas na rin ng hold departure order si Justice Secretary Raul Gonzalez laban kay Mar­ti­nez upang maharap nito ang mga akusasyon la­ban sa kanya.

Sinabi ni Gonzalez na pipigilang makalabas ng bansa si Martinez upang masagot at ha­rapin nito ang mga rek­lamo laban dito.

Inihahanda naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang isang panukalang resolus­yong nananawagan na mag­bitiw sa puwesto ang lahat ng opisyal ng SEC kabi­lang ang taga­pangulo nitong si Fe Barin.

Ayon kay Enrile, dapat linisin ng Pangulo ang buong SEC at hindi la­mang si Martinez ang da­pat matanggal sa pu­westo.

Ipinahiwatig din ni Enrile na nameme­li­grong matanggal sa pu­westo si delos Angeles bilang alkalde ng Sto. Domingo, Albay kapag napatuna­yang ginamit nito ang pondo ng Le­gacy para sa kampanya nito sa halalan noong 2007.

Masyado aniyang ma­laki ang P38 milyon para itustos sa kam­panya ni de los Angeles para sa mahi­git na 20 libong botante ng Sto. Domingo.

Samantala, taha­sang pinasinungalingan ni Pa­rañaque Rep. Eduardo Zialcita ang mga alegas­yon na uma­ no’y may ka­ugnayan siya sa Legacy.

“Hindi ako kailan­ man naging consultant nila o kaya’y kinonsulta nila,” mariing tinuran ni Zial­cita. “Hindi rin ako personal na tumang­ gap ng tseke o pondo mula sa mga kum­panya na bu­mubuo sa Legacy.”

Show comments