Yusoph sa Comelec nanumpa

MANILA, Philippines - Pormal nang nanum­pa ang bagong miyembro ng Commission on Elections na si dating Marawi City Prosecutor Elias Yusoph.

Agad siyang nagpa­sa­­lamat sa pagkaka­talaga sa kanya at ini­hayag na tutulong upang mapana­tiling malinis ang halalan sa bansa sa 2010.

Unang naudlot noong Pebrero ang pagkakaupo niya sa Comelec nang hindi makapanumpa sa pwesto mula January 12 hanggang 19. (Doris M. Franche)

Show comments