^

Bansa

Sa pinatay na anak ng NPA commander: 'Militar tutulong sa probe' - Teodoro

-

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Defense Secretary Gil­berto Teodoro Jr. ang brutal na pagdukot, pangga­gahasa at pagpatay sa gurong anak na babae ng isang kumander ng New People’s Army sa Davao.

Sinabi ni Teodoro na ginawa niya ang utos upang mabatid ang ka­totohanan sa likod na rin ng paratang ng NPA at ng mga militanteng grupo na mga sundalo umano ang nasa likod ng pagpatay kay Rebelyn Pitao, 21 anyos, anak ni Leoncio Pitao alyas Commander Parago, pinuno ng Pu­lang Bagani Command ng kilu­sang komunista.

Tiniyak ni Teodoro na makikipagtulungan ang militar sa imbestigasyon partikular na sa binuong Special Task Force ng Philippine National Police upang mabatid ang kato­tohanan.

Siniguro niyang kung sakaling lumitaw na may sundalong sangkot sa kri­ men ay walang maga­ganap na whitewash, hindi nila ito kukunsintihin at ipatutupad ang karam­patang kaparu­sahan ng batas.

Hindi rin inaalis ni Teo­doro ang posibilidad na may mga grupong nasa likod ng krimen na ibig sirain ang imahe ng mga sundalo kaya siyang pi­nagdidiskitahang nasa likod ng insidente.

Si Rebelyn ay kinid­nap ng mga armadong ka­lalakihan noong Miyer­kules ng nakalipas na linggo at natagpuan ang bangkay kinabukasan na nakasuot na lamang ng punit na underwear at may mga sak­sak sa dib­dib sa isang irrigation ca­nal sa Panabo City, Davao del Norte.

Hiniling din kahapon ng peace adviser ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo sa mga communist rebels na magti­wala sa imbestigasyon ng pamahalaan sa pagkaka­paslang sa biktima.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Ave­lino Razon Jr. na kumi­kilos ang pamahalaan at tinagubilinan ng Pangulo ang PNP at ibang law enforcement agencies na siyasatin ang karumal-dumal na krimen. (Joy Cantos at Rudy Andal)

BAGANI COMMAND

COMMANDER PARAGO

DAVAO

DEFENSE SECRETARY GIL

GLORIA MACAPA

JOY CANTOS

LEONCIO PITAO

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with