^

Bansa

Simbahan kumilos vs Davao Death Squad

-

MANILA, Philippines - Naalarma na ang Simbahang Katoliko sa Davao City sa pagkasawi ng daan-daang katao sa lungsod mula nang magsimulang mag-operate ang vigilante group na Davao Death Squad noong huling bahagi ng dekada 90 at muling bumalik ngayon 2008 at 2009.

Dahil dito kaya hinikayat ni Fr. Pete Maniwan ang mga testigo na lumutang at ituro kung sino ang mga dapat na managot sa krimen. Napapanahon na anya upang umaksyon ang mga mamamayan.

Kaugnay nito, humihingi naman ng proteksyon mula sa Commission on Human Rights (CHR) si Jonie Antonio, 21, ng Mineral Village, Davao City na dinukot ng DDS kamakailan upang itumba ngunit maswerteng nakaligtas.

Si Antonio ay pinaniniwalaang magiging susi upang malutas ang summary killings sa lugar subalit nanga­ngamba ngayon na babalikan ng grupo at papatayin din tulad ng ginawa ng mga ito sa kanyang dalawang kasamahan, kaya hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano lumulutang ang biktima upang maghain ng pormal na reklamo laban sa mga suspek. (Mer Layson)

DAHIL

DAVAO CITY

DAVAO DEATH SQUAD

HUMAN RIGHTS

JONIE ANTONIO

MER LAYSON

MINERAL VILLAGE

PETE MANIWAN

SI ANTONIO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with