Mancao kukuning witness
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) na kuning testigo ng gobyerno si dating Philippine National Police (PNP) Senior Supt. Cesar Mancao laban sa mga suspek at utak sa pagpatay kay PR man Salvador “Buddy” Dacer at sa kanyang driver na si Emmanuel Corbito.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, bubusisiin ng kanyang tanggapan ang sinasabing sworn affidavit ni Mancao na nilagdaan sa Estados Unidos upang matukoy kung kuwalipikado siya na maging state witness.
Nilinaw ng Kalihim na maaaring maging state witness ang isang suspek sa krimen kung maliit lamang ang partisipasyon sa kaso.
Ang pahayag ni Gonzalez ay bunsod sa nalalapit na pagdating sa bansa ni Mancao sa susunod na da lawang linggo matapos ang matagumpay na extradition case na isinulong ng DOJ.
Ang National Bureau of Invetigation ang naatasan na sumundo kay Mancao sa NAIA at pansamantalang mananatili sa NBI habang hindi pa ipinag-uutos ng Manila Regional Trial Court branch 18 kung saan ito ikukulong. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending