'Exhibitionist' na mga estudyante bubusisiin
MANILA, Philippines - Nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na imbestigahan ng Senate Committee on Education kung bakit pinayagan ang pagtakbo ng hubo’t hubad ng mga estud yante sa isang lansangan sa Sampaloc, Manila bilang bahagi ng ika-59 anibersaryo ng Alpha Phi Omega fraternity kamakalawa.
Ayon kay Pimentel, dapat mabigyang-katwiran ang nasabing “exhibitionism” ng mga estudyante at kung hindi ito pinayagan at parusahan ang mga gumawa nito kabilang na ang mga university authorities.
Tinawag pa ni Pimentel na “misguided young men” ang mga lalakeng tumakbo nang hubo’t hubad sa harap ng mga estudyante at mga bata na nanood sa kanila. Sinabi ni Pimentel na may mga batas na nilabag ang mga lalaking tumakbo nang hubo’t hubad at hindi nararapat i-display sa mga bata ang ‘private parts” ng sinumang nilalang.
Naniniwala si Pimentel na may magagalit sa kanya dahil sa panawagan na patawan ng parusa ang mga miyembro ng APO na tumakbo ng hubo’t hubad. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending