Bagong freeze order kay Bolante binara

MANILA, Philippines - Dinismis kahapon ng Court of Appeals ang petisyon ng Anti-Money Laundering Council na humihiling na magpalabas ng panibagong freeze order laban sa bank accounts ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante.

Sinabi ng CA na ang 20-day freeze order na ipina­labas noong Pebrero 4 ay hindi na maaring palawigin pa.

Paliwanag ng CA na nagpalabas na sila ng anim na buwan freeze order na nagtapos noong nakaraang taon pa.

Nilinaw pa ng CA na kapag muli silang nagpalabas ng panibaong anim na buwang freeze order ay lalabag na sila sa Administrative Circular ng Korte Suprema kung saan nakasaad na maari lamang magbigay ng extention nang hindi lalagpas sa anim na buwan. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments