^

Bansa

Tallado idineklarang nanalong gobernador ng Camarines Norte

-

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Comelec en banc ang apela ni Camarines Norte Gov. Jesus Typoco kaugnay sa naunang desisyon ng First Division na nagpapawalang-saysay sa prokla­ mas­yon nito dahilan para ideklarang tunay na nanalo sa gubernatorial race ng naturang lalawigan si Liberal Party (LP) bet Edgardo Tallado.

Sa resolusyon na nilagdaan ni Comelec chairman Jose Melo at lima pang poll body commissioners, matapos rebisahin ang kopya ng Municipal Certificate of Canvass mula sa Election Records and Statistics Division (ERSD) lumalabas na sa kabuuan ay nakakuha ng 79,969 boto si Tallado at si Typoco naman ay 79,904 kaya pinawawalang-saysay nito ang pagkakaproklama sa incumbent governor ng Provincial Board of Canvassers.

Nakatakda nang manumpa si Tallado anumang araw at manungkulan sa kapitolyo ng Camarines Norte bilang siyang tunay na nanalong gobernador. (Doris Franche)

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOV

COMELEC

DORIS FRANCHE

EDGARDO TALLADO

ELECTION RECORDS AND STATISTICS DIVISION

FIRST DIVISION

JESUS TYPOCO

JOSE MELO

LIBERAL PARTY

MUNICIPAL CERTIFICATE OF CANVASS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with