Solon sa pier binira

Kinastigo kahapon ng Philippine Association of Migrant Workers and Advocates si An Waray Party List Representative Flo­rencio Noel maka­raang sa­bihin nito na walang ano­malya o ma­sama sa kontrata ng 25-year Manila North Harbor Modernization Project.   

Ayon sa PAMWA, nag­mamarunong umano si Noel nang ihayag nito na ang pag-aantala ng mod­ernisasyon at pag­ sa­sa­pribado ng North Harbor ay maglalagay sa pa­nga­nib sa maraming bu­hay ng mga pasahero, mangga­gawa, at iba pang guma­gamit sa nasabing panta­lan dahil sa umano’y kalu­maan nito na itinayo pa mata­pos ang World War I.   

“Yan ang problema kung basta-basta na lang na nagsasalita na hindi muna nag-iisip. Hindi naiisa-alang-alang ang lahat ng mga detalye ng isang isyu. Kaya naaawa rin kami kay Congressman Noel dahil pulos blanko ang binabato niya nga­yon,” Sabi ni Engr. Nelson P. Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers. (Butch Quejeda)

Show comments