Solon sa pier binira
Kinastigo kahapon ng Philippine Association of Migrant Workers and Advocates si An Waray Party List Representative Florencio Noel makaraang sabihin nito na walang anomalya o masama sa kontrata ng 25-year Manila North Harbor Modernization Project.
Ayon sa PAMWA, nagmamarunong umano si Noel nang ihayag nito na ang pag-aantala ng modernisasyon at pag sasapribado ng North Harbor ay maglalagay sa panganib sa maraming buhay ng mga pasahero, manggagawa, at iba pang gumagamit sa nasabing pantalan dahil sa umano’y kalumaan nito na itinayo pa matapos ang World War I.
“Yan ang problema kung basta-basta na lang na nagsasalita na hindi muna nag-iisip. Hindi naiisa-alang-alang ang lahat ng mga detalye ng isang isyu. Kaya naaawa rin kami kay Congressman Noel dahil pulos blanko ang binabato niya ngayon,” Sabi ni Engr. Nelson P. Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers. (Butch Quejeda)
- Latest
- Trending

















