Bakla at tibo di prayoridad sa AFP
May 6,700 bagong sun dalo ang target na kalapin ng Armed Forces of the Philippines sa taong ito.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na nagsabi pa na ang mas malaking puwersa na aabot sa 3,900 ay mapupunta sa Philippine Army.
Kasabay nito, ipinahiwatig ni Torres na maaari pa ring tanggapin para maging sundalo ang mga bakla at tomboy pero hindi sila magiging prayoridad.
Mas uunahin anya sa pagsasanay ang mga tunay na lalaki at babae pero hindi ito isang klase ng diskriminasyon.
Ang board na rin ng AFP ang magdedesisyon kung pahihintulutan ang mga bading at tomboy na makapasok sa hukbo pero ito’y kung makakapasa ang mga ito sa eksaminasyon na bukod sa pagsusuri sa intelligence quotient ay idadaan rin sa physical fitness test, neuro, psychological test at iba pa. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending



















