First Gentleman nilinis ng kontratista
Pinabulaanan ng kontratistang si Norlito Policarpio ang mga ulat na isinasangkot niya si First Gentleman Mike Arroyo sa anomalya sa bidding sa mga public work project na pinondohan ng World Bank.
Ginawa ni Policarpio ang pahayag sa isang affidavit na inihain niya sa embahada ng Pilipinas sa United States.
Sinabi ni Policarpio na hindi niya kailanman binabanggit si Arroyo at ibang opisyal ng pamahalaan hinggil sa naturang anomalya.
Bukod dito, sabi pa ni Policarpio sa kanyang affidavit, hindi niya nakaharap kahit kailan ang Unang Ginoo.
Idinagdag niya na wala rin siyang binabanggit na sangkot sa anomalya si Eduardo de Luna at ginawa ang pandaraya sa Diamond Hotel. (Butch Quejeda)
- Latest
- Trending
























