MANILA, Philippines - Hindi dapat pagkaitan na makapagsuot ng toga ang mga estudyanteng magtatapos ngayon sa kanilang pag-aaral. Ayon kay Kalookan City Rep. Mitch Cajayon, bagamat may global crisis ay dapat Ibigay sa mga estudyante ang pribilehiyo na mag suot ng toga dahil Ito ay simbolo ng katagumpayan sa mga mag-aaral. Unang nagbabala ang Department of Education sa mga paaralan na hindi dapat magarbo ang seremonya ng pagtatapos upang maiwasan ang pagbabayad ng malaking halaga ng mga magulang ng magsisipagtapos. Aniya, dapat pag-aralan ng DepEd ang nasabing suhestiyon dahil ang toga ay Inspirasyon din sa mga estudyante.