^

Bansa

Pagtaas ng tuition dadaan sa butas ng karayom

-

MANILA, Philippines - Dadaan sa butas ng karayom ang anumang planong pagtataas ng tuition fees sa kahit anong paraan.

Ayon sa Bagong Al­yansang Makabayan (Ba­yan), ang muling pagta­taas ng tuition fees ay ta­hasang pagkitil sa kara­patan ng mga kabataang matuto at makapag-aral.

Ayon sa naturang grupo, nakiisa sa kanila ang mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa pagtutol sa tuition fee hike.

Ayon kay John Eduard Nebre, ng PUP Commonwealth, hindi lahat ng estudyante ay may ka­kayahang magbayad ng malaking tuition fees dahil sa kanilang paaralan pa lamang, halos hindi ma­kabayad ng P10 kontri­busyon ang mga estud­yante dito dahil ang iba umano sa kanila ay nag­lalakad pa ng limang ki­lometro makapasok la­mang sa paaralan.

Samantala, nanindi­gan naman ang mga private schools na hindi na mapipigilan ang pagtaas ng tuition fee ngayong darating na pasukan.

Kahit pa umano may nararanasang global financial crisis at kahit ano pa ang gawing pakiusap ng Commision on Higher Education at Department of Education ay kailangan nilang gawin ito.

Ayon sa Federation of Private Schools and Administrators, 15 percent pagtataas sa matrikula ang maaaring ipatupad nila ngayong pasukan.

Dapat anilang una­wain ng publiko ang na­sabing tuition fee increase dahil madadag­dagan din naman ang kanilang gastos para sa dagdag na sahod ng mga guro at pagpapaganda ng pasilidad ng mga paara­lan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BAGONG AL

DEPARTMENT OF EDUCATION

FEDERATION OF PRIVATE SCHOOLS AND ADMINISTRATORS

HIGHER EDUCATION

JOHN EDUARD NEBRE

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SHY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with