Batang Echiverri umapela sa MMDA: Sasakyan ng mga abogado i-exempt sa color coding

Hiniling ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) member at anak ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na si Atty. Juan Crisostomo “Juris” Echiverri sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na huwag nang isama ang mga sasakyan ng lahat ng mga abugado sa color coding na ipinatutupad ng nasabing ahensiya sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Juris Echi­verri na miyembro rin ng IBP, CALMANA (Caloo­can-Malabon-Navotas) chapter, dapat na isaalang-alang ng MMDA na ang mga practicing lawyer ay nagbibigay ng libreng serbisyo publiko sa mga nangangailangan sa lahat ng oras.

Aniya, nagkakaroon ng problema ang mga abu­gado sa pagtupad sa kani­lang mga tungkulin dahil na rin sa color coding ng MMDA na kung saan ay hindi maga­mit ng mga ito ang kanilang mga sasak­yan kapag nata­pat sa araw ng coding ang kanilang mga behi­kulo.

Ipinaliwanag pa nito, base na rin sa Memorandum Circular ng Supreme Court (SC), ang isang abu­gado ay kinakaila­ngang magbigay ng libreng ser­bisyo publiko ng 60 oras sa loob ng isang taon.

Sinabi rin ng batang Echiverri na hindi lahat ng abugado ay mayaman na kayang bumili ng mara­ming sasakyan para lamang may magamit sakaling na­tapat sa color coding ang kani­lang behikulo.

Umaasa sila na pag­bibigyan ng MMDA ang kanilang kahi­lingan dahil marami sa ating mga kaba­bayan ang mabi­bigyan ng sapat na ser­bisyo sakaling hindi na ma­isama sa color coding ang sasakyan ng mga abugado. (BQuejada)

Show comments