^

Bansa

De la Paz humirit ng 'discount'

-

Humihingi ngayon ng “discount” si Philippine National Police (PNP) retired comptroller director Eliseo dela Paz sa mga Russian authorities para babaan ang singil sa “bank fees” kaugnay sa pag-transfer ng ipinapabalik sa kanyang Euro money dito sa Pilipinas.

Nabatid na sa harap ng ultimatum ng National Police Commission (Napol­com) kay dela Paz na ma­ibalik hanggang sa kata­pusan nitong buwan ang kabuuang 105,000 euros (P6.9 million), pinagsisi­kapan umano ng retired official na maisauli ang naturang halaga sa lalong madaling panahon.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-negosasyon umano si dela Paz sa Russian authorities na kung ma­aari ay bigyan siya ng discount para sa bank charges na ipinapataw ng mga ito para sa bank transfer ng naturang euro money.

Magugunita na una ng nagbanta ang liderato ng PNP na haharap sa kasong sibil si dela Paz kapag hindi nito natugunan ang taning na ibinigay sa kaniya.

Sa kasalukuyan, nasa 85,000 euros o P5.27-M na lamang ang balanse ni dela Paz matapos maisauli na nito ang 20,000 euros o P1.24-M.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ELISEO

HUMIHINGI

MAGUGUNITA

NABATID

NAPOL

NATIONAL POLICE COMMISSION

PAZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with