Comelec sa OFWs: Magparehistro bago mag-abroad

Pinayuhan ng Commission on Elections (Co­melec) ang mga OFWs na magparehisto muna bago tuluyang umalis ng bansa kung saan ang mga ito ay kabilang sa mga Overseas Absentee Voters (OAV).

Ayon sa Comelec, sa ganitong paraan umano ay hindi na mahihirapan pa ang mga OFWs sa pagpa­patala sa mga konsulada ng Pilipinas sa mga ban­sang kanilang patutunguhan.

Makatitiyak din umano ang mga naturang OFWs na makakaboto na sa nala­lapit na May 2010 presidential elections.

Nabatid sa Comelec na maaaring magparehistro ang mga OFWs bilang OAV sa tanggapan ng POEA.

Tatanggap ng aplikas­yon para sa OAV registration ang POEA hanggang sa Agosto 31, 2009 lamang.

Kinakailangan lamang ng isang OFW applicant na magdala ng kanyang pasa­porte o di kaya’y seaman’s book kung magpapatala. (Doris Franche)

Show comments