Aprubado na ng Kongreso ang implementing rules and regulations ng Socialized and Low-Cost Housing Loan Restructuring and Condonation Program.
Bunsod nito, sinabi ni Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) concurrent chairman Noli ‘Kabayan’ de Castro na matutulugan na ng gobyerno ang mga homeowners na nahihirapan sa pagbabayad ng monthly amortization sa kanilang housing loan.
Sa ilalim ng naturang programa, maaari nang mag-aplay ng loan restructuring at condonation ang mga housing loan borrowers na may tatlong-buwan na palya sa buwanang pagbabayad sa mga government financial institutions (GFIs) at housing agencies.
Sakop ng naturang batas ang mga housing loan accounts sa mga institusyon tulad ng GSIS, SSS, Pag-IBIG Fund, National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Social Housing Finance Corporation (SHFC), Home Guaranty Corporation (HGC) at National Housing Authority (NHA) na may principal loan amounts na hindi hihigit sa P2.5 million. (Butch Quejada)