Isinulong ng Malacanang: Karapatan ng mga sanggol
Isinusulong ngayon ng Malacanang na mabigyan ng atensiyon at maprotek tahan ang karapatan ng bawat sanggol sa bansa.
Sa Executive Order 778 o tinawag na ‘Transforming the Council for the Welfare of Children into Early Childhood Care and Development Council,” na nilagdaan ni Pangulong Arroyo, itinalaga nito si dating Senador Tessie Aquino-Oreta (TAO) bilang chairperson ng Early Childhood Care and Development Council (ECCDC).
Ang nasabing puwesto ay may ranggong Cabinet secretary, ayon sa Pangulo.
Malugod itong tinanggap ni Oreta dahil siya rin ang may akda ng ECCD Act noong na nagsabing bilang isang ina, batid niya ang pangangailangan at pagmamahal ng bawat sanggol sa bansa.
Sa pinakabagong programang ito, tututok ang pamahalaan sa pangangailangan, karapatan at tulong sa mga tinaguriang napabayaang paslit sa bansa.
“My advocacy for children’s welfare remains whether or not I have a position in government. I intend to strengthen that commitment so that the Filipino child can have a fair start,” ani Aquino-Oreta sa kanyang pahayag.
Ang ECCDC ay may layuning suportahan at protektahan ang kapakanan ng mga batang may edad na 6 pababa kung saan ay kikilalanin ang kanilang karapatang mabuhay, matuto at sapat na proteksiyon bilang isang nilalang.
Susuportahan din ng nasabing ahensiya ang mga magulang bilang pangunahing tagapag-alaga ng kanilang mga anak at tutulungan at bibigyan din ng sapat na impormasyon para maipatupad ang tamang pangangalaga at pagtuturo ng wasto sa mga anak dahil ina at ama ang pangunahing guro ng bawat paslit.
“Si Senator Oreta ang nag-initiate ng panukala sa early childhood care development rogram. Confident ako na magagawa niya, masipag siya at very diligent, pinag-aaralan talaga niya ang mga panukala at marunong siyang kumon sulta sa mga experts,” komento naman ni Sen. Edgardo Angara. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending