World Bank nanindigan sa report
Pinanindigan kahapon ng World Bank ang laman ng report kaugnay sa natuklasang suhulan at ‘lutuan’ sa bidding ng mga road projects sa Pilipinas, pero tumangging magkomento sa mga nasasangkot na personalidad kabilang na si First Gentleman Mike Arroyo.
Humarap sa isang “informal technical briefing” si World Bank country director Bert Hoffman kung saan pinasalamatan pa nito ang mga senador partikular na ang Senate Committee on Economic Affairs dahil sa in
teres na ipinakita kaugnay sa report ng WB na may kaugnayan sa Philippines National Roads Improvement and Management Program (NRIMP-1) Project.
“It is a distinct pleasure and privilege to be here today to brief you on various aspects of the World’s Bank’s processes and procedures with respect to its handling of allegations or suspicions of collusion, fraud or corruption in Bank-funded programs and projects,” sabi ni Hoffman sa mga senador.
Pero agad ding humingi ng paumanhin si Hofman sa mga senador dahil hindi nila maaaring isiwalat ang mga detalye ng report kaunay sa sinasabing suhulan at sabwatan sa bidding ng mga road projects sa bansa.
Ipinaliwanag ni Hoffman na layunin ng kanilang imbestigasyon na protektahan ang pera ng taumbayan ng kanilang mga miyembro kabilang na ang Pilipinas.
Aminado naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may immunity ang WB kaya hindi sila maaaring pilitin ng mga senador na magsalita at idetalye ang report.
Samantala, ipinahiwatig ng mga executives ng World Bank na posibleng ipahinto muna ang pagpa pautang sa Pilipinas kung hindi kikilos ang gobyerno kaugnay sa report nila tungkol sa suhulan sa bidding ng mga proyekto.
Sinabi ni Lacson na malinaw sa kanya ang pagkakabanggit ng WB tungkol sa pagpapatigil sa pautang.
Sakaling gawin umano ito ng WB, isang malakas na mensahe ang nais iparating sa administrasyong Arroyo kaugnay sa korupsiyon sa bansa.
Matatandaan na bukod kay First Gentleman Mike Arroyo, nakaladkad din sa isyu sina dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at Jacinto Paras.
- Latest
- Trending