^

Bansa

Lumad pasok sa Army

-

MANILA, Philippines - Sa wakas, bibigyan na rin ng pagkakataon ng Phi­lip­pine Army na maging sundalo ang mga matatalino at kuwalipikadong katutubong Lumad sa bansa.    

Ayon kay Captain Rosa Ma. Cristina Manuel, taga­ pagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, ito’y kaugnay ng recruitment quota na 250 mga bagong sun­dalo sa taong ito ng kanilang tanggapan.     

Nabatid na ang mga katutubong Lumad ay ipinagma­malaki ng Davao dahil marami sa mga ito ay nagsusu­mikap na ring maging mga edukado.    

Inihayag ni Manuel na ang Candidate Soldiers Course para sa mga nagnanais maging sundalo ay magsisimula na bukas kung saan maaring magsumite ng kanilang aplikasyon ang mga kinauukulan sa tanggapan ng Office of the Assistant Chief of Staff for Personnel (G1) ng 10th ID. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CANDIDATE SOLDIERS COURSE

CAPTAIN ROSA MA

CRISTINA MANUEL

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

LUMAD

OFFICE OF THE ASSISTANT CHIEF OF STAFF

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with