^

Bansa

Mister na Hapones ng Pinay na may kanser natunton

-

MANILA, Philippines - Bagaman may taning na ang kanyang buhay bu­nga ng kancer sa obar­yo, masaya na rin at natu­pad ang kahilingan ng isang 47-anyos na Gi­nang nang muli niyang ma­kausap ang kan­yang nawalay na asawang Ha­pones at naipagbilin ang ka­nilang 18-anyos na anak para sa maganda nitong kina­bu­ka­san ma­tapos ang 14 taong pag­ka­kawalay.

Sa tulong ng Japanese Child Support Foundation at Rotary Club of Ma­late, na pinamamaha­laan ni Mercy Ong ay na­tunton ang kinaroroonan ng Ja­panese national na si Koi­chi Ikegami ng Oshiaga Sumidiko, Tokyo, Japan.

Sa pamamagitan ni Ya­sihuro Ishiyama, kina­tawan at miyembro ng Rotary Club of Malate at nasabing foundation, personal na nagtungo ito sa Tokyo at natunton si Ike­gami.

Bitbit ni Yasihuro ang mga dokumentong nag­mula kay Tessie Bastes-Ikegami na kasalukuyang residente ng Purok Avocado, Mampising, Mabini, Comval, Davao.

Kinilala naman ni Ike­gami si Tessie at ang anak niya rito na si Maiko. Da­laga na sa edad na 18 an­yos si Maiko at meron na itong kinakasama.

Matinding iyak at kasi­yahan ang nadama ni Tessie nang personal na magtungo si Ishiyama sa Davao upang sabihin ang magandang balita na nakita nito si Ikegami.

Nagkausap naman ang Ginang at asawang Hapon sa cellphone. Nag­kabalitaan ang dalawa hinggil sa kanilang anak at sa sakit ni Tessie na may taning na ang buhay nang isa o dalawang buwan.

Matapos na humingi ng tawad sa kapabayaan sa asawa, nagbigay na­man ng katiyakan ang Ha­pones na kanyang kuku­nin si Mai­ko at tutulungang makaha­nap ng trabaho sa Japan.

Si Tessie ay nagtungo bilang estudyante sa Japan noong Disyembre 2, 1987 hanggang 1989 at nakilala nito si Ikegami hanggang sa magpakasal ang dala­wa sa Pilipinas. Nagkaroon sila nang anak pero pagsa­pit nito sa ikali­mang taong gulang ay bu­malik sa Japan si Ikegami at hindi na nagpakita sa mag-ina mula noon. (Ellen Fernando)

DAVAO

ELLEN FERNANDO

IKEGAMI

ISHIYAMA

JAPANESE CHILD SUPPORT FOUNDATION

MAIKO

MERCY ONG

OSHIAGA SUMIDIKO

SHY

TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with