^

Bansa

P6.9 milyong cash advance ibabalik na ni dela Paz

-

MANILA, Philippines - Nangako kahapon si dating Philippine National Police Comptroller ret. Police Director Eliseo de la Paz na maibabalik na niya sa account ng PNP ang P6.9 M cash advance o katumbas na 105,000 Euros na nasamsam rito sa Russia noong Oktubre ng nagdaang taon.      

Ayon kay dela Paz, pinakahuling naging problema nila sa pag­lilipat ng pera ang pag­pasok ng tax revenue department ng Russia.     

Sinabi ng retira­dong heneral na pina­ta­wan sila ng halos 37 porsyentong buwis sa naturang pera na nasa bank account ngayon ng kanyang Russian lawyer na si Alex Benit­skiy.     

Matapos anyang ma­ilipat ang pera sa account ni Benitskiy, na­hirapan silang humanap ng bangko sa Pilipinas na tatanggap ng natu­rang halaga bago ilipat sa account ng PNP.      Gayunman, naresolba ito sa pamamagitan ng unti-unti na lamang sanang paglilipat ng naturang halaga sa local account sa Pilipinas bago tuluyang ibalik sa account ng PNP. (Joy Cantos)

vuukle comment

ACCOUNT

ALEX BENIT

AYON

JOY CANTOS

PAZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE COMPTROLLER

PILIPINAS

POLICE DIRECTOR ELISEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with