^

Bansa

Libong bagong nurses isasabak sa lalawigan

-

MANILA, Philippines - Naghihintay umano ang trabaho para sa mga bagong mga nars na pumasa nitong naka­lipas na Nursing Licensure Examination, ayon sa Department of Labor and Employment.

Tiniyak ni Labor Sec­retary Marianito Roque na nakahanda na ang DOLE sa programa nitong Nur­ ses Assigned to Rural Service upang mabigyan ng trabaho ang mga nursing graduate noong na­karaang taon na naka­pasa nga­yon sa board exa­mination.

Target umano ng pa­mahalaan na maka­kuha ng 5,000 nurses para sa nasabing pro­grama na magsisilbi sa mismong mga munisi­palidad nila at maka­kuha ng clinical experience na magagamit sa darating na panahon tulad ng pagnanais na makapag-abroad.

Ilalagay ang 5,000 nurses sa sampung pi­nakamahihirap na la­lawigan na kulang sa nurse.

Ani Roque, normal lamang hanapan ng experience ang mga nurse bago sila eempleyo kaya makakatulong umano ang programang NARS at hindi na kailangan pang magbayad sa alin­ mang ospital para la­mang magkaroon ng clinical experience.

Umabot sa 39,455 ang pumasa sa nursing board na ginanap noong Nobyembre 2008 kaya hinihimok ng DOLE ang mga ito na mag log-on sa www.nars.dole.gov kung interesado na mag­silbi muna sa kanilang ka­babayan. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANI ROQUE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ILALAGAY

LABOR SEC

LUDY BERMUDO

MARIANITO ROQUE

NURSING LICENSURE EXAMINATION

RURAL SERVICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with