Pandesal P1.50 na bukas

MANILA, Philippines - Magiging P1.50 na lamang ang presyo ng pandesal mula bukas.

Ayon kay Simplicio Umali, pangulo ng Philippine Baking Industry Group Inc., ang pagba­ba ng halaga ng pan­desal mula sa dating P2 at ibang mga uri ng tina­pay ay bunga ng pag­baba ng presyo ng ha­rina sa buong bansa.

Sinabi ni Umali na ba­­bawasan nila ng P0.50 ang presyo ng bawat pandesal habang ipapatupad naman ang P1.00 rollback sa pres­yo ng loaf breads.

Binanggit niya na umaabot na lamang sa P870.00 ang presyo ng harina mula sa P900 kaya minabuti nilang maibaba din ang ha­laga ng tinapay.

Napagkasunduan ng kanilang hanay na ang standard size ng pan­de­sal ay gagawing 25-35 gramo, 36-45 gramo sa malaking pan­desal at 46 gramo pataas ang pi­na­ma­la­king pandesal.

Nilinaw naman ni Umali na wala naman silang kapangyarihan na diktahan ang mali­liit na panaderya para ma­ibaba din ang hala­ga ng kanilang panin­dang pan­­ desal. (Angie dela Cruz)

Show comments