^

Bansa

Biyuda ng mga beterano nag-iyakan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nag-iiyakan na ang mga biyuda ng mga yu­maong beterano ng World War II dahil sa sobrang pag­kadismaya nang ma­ba­litaan na hindi sila ka­bilang sa mabibig­ yan ng benepisyo ng pa­maha­laan ng Estados Unidos.

Kahapon, pasado alas-4 pa lamang ng madaling araw ay nagkukumahog na sa Camp Aguinaldo para pumila sa tanggapan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang mga biyuda ng mga World War II veterans na uma­ asang makakahabol pa sila sa benepisyo kung saan ilan sa kanila ay nadapa pa.

Kaugnay nito, nanga­ko naman si PVAO Administrator Ernesto Carolina na ipaglalaban pa rin ng pamahalaan ang ka­rapatan ng mga biyuda o pamilya ng mga namatay na beteranong Pinoy para maiparating kay US Pre­sident Barack Obama na ikonsiderang makatang­gap rin ang mga ito ng be­nepisyo.

Alinsunod sa $198 compensation grant na nilagdaan ni Obama noong Martes, ang mga Filipino World War II veterans na buhay pa ang kuwalipi­kado na tumang­gap ng kabayarang $15,000 kung US citizens at $9,000 naman sa mga nasa Pili­pinas.

Sinabi ni Carolina na patuloy silang magla-lobby sa US government na kila­lanin rin ang kara­patan ng mga biyuda na tanggapin ang mga bene­pisyo ng kanilang yu­maong mahal sa buhay na tumulong sa tropa ng Amerika sa paki­kipag­laban noong pana­hon ng World War II.

Sa tala, 12,000 bete­rano ng WWII ang buhay pa sa Pilipinas habang aabot naman sa 6,000 ang naninirahan na sa Amerika.

ADMINISTRATOR ERNESTO CAROLINA

AMERIKA

BARACK OBAMA

CAMP AGUINALDO

ESTADOS UNIDOS

FILIPINO WORLD WAR

PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE

SHY

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with