Pala-absent na pulis, late, puyat uunahin sa drug test - Verzosa

MANILA, Philippines - Pala-absent, palaging late at mga puyat na opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang uunahin sa ipinatutupad na random drug test.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zo­sa kaugnay ng pinalakas na kampanya laban sa illegal na droga at upang walisin ang mga drug addict na pulis sa organi­sasyon.

Sinabi ni Verzosa na inatasan niya ang kan­yang mga field commanders na iprayoridad sa listahan ng random drug test ang mga naturang police personnel at ma­ging ang kanilang mga opisyal.

Binigyang diin ni Ver­zosa na maaaring gami­ting isang indikasyon ang pagiging laging puyat ng mga pulis kung ito’y gu­magamit ng ipinagbaba­wal na gamot.

Gayundin kung pala-absent ang mga ito at palaging late sa trabaho kung saan ay kakatwa na ang kanilang ikinikilos na hindi na akma para sa modelong Mamang Pulis. (Joy Cantos)

Show comments