MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Richard Gordon na baguhin ang bandila ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagdadagdag ng isang sinag sa araw.
Sa Senate Bill 2590 na inihain ni Gordon, nais nitong gawing siyam ang kasalukuyang walong sinag ng araw na kumakatawan sa walong lalawigan na lumaban sa mga Kastila na kinabibilangan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, at Tarlac
Ayon kay Gordon, awtor ng panukala, ang ika-siyam na sinag ay kakatawan sa mga Muslim na nanindigan at hindi nagpasakop sa mga Kastila.
Sinabi ni Gordon na ang unang Philippine flag ay ginawa sa Hong Kong at unang nai-display noong Mayo 28, 1898.
Ikinatuwiran pa ni Gordon na ang bandila ang simbolo ng kalayaan at pagkakaisa bilang isang bansa kaya dapat lamang magkaroon din ng simbolo ng sinag ng araw ang mga taga-Mindanao. (Malou Escudero)