^

Bansa

5 Army employees suspendido sa overpricing ng combat boots

-

MANILA, Philippines - Limang empleyado ng Philippine Army ang sinus­pinde ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado na isinabit sa overpricing ng may 33, 319 combat boots noong 2004.

Kinilala ang mga sinus­pinde na sina Assistant Secretary Eduardo Opida, Executive Director Esta­nislao Granados Jr., Director Lour­des Santiago at Cirila Botor ng Inter-Agency Bids and Awards Committee (IABAC) ng Procurement Service –Department of Budget and Management (PS-DBM) kasama si Esterlita Necor mula rin sa PS-DBM.

Sa rekord ng Ombudsman noong Abril 2004 ang alok para sa bidding ng supply at delivery ng 97,257 pares ng combat boots ay may naapru­bahang pondo na aabot sa P102,119,850.

Gayunman sa hindi malamang kadahilanan ay 33, 319 pares lamang ng combat boots ang na-order na may nakalaan lamang P39,982,800 budget.

Kabilang sa mga bidder ang Filboot Manufacturing Corp. na ang alok na ha­laga ng combat boots ay P1, 047 bawat pares; Gib­son Shoe Factory, P1,038 kada pares at Jodaar Cottage Industries sa hala­gang P993.50 sa bawat pares.

Ang Filboot ang nag­wagi sa alok na P1,047 kada pares o kabuuang halagang P32,864,283 kung saan ay P1,200 uma­no ang pinalabas na ibi­nayad sa kada pares ng kabuuang 31,389 pares ng combat boots o kabuuang P37,666, 800. (Joy Cantos)

ANG FILBOOT

ARMY CHIEF LT

ASSISTANT SECRETARY EDUARDO OPIDA

CIRILA BOTOR

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DIRECTOR LOUR

ESTERLITA NECOR

EXECUTIVE DIRECTOR ESTA

PARES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with